Ang Mensahe ng Pasko mula sa Aming Pamilya
PASKO
PASKO
M-anunubos ay isinilang sa sabsaban-
A-ng Banal na sanggol ay Kristo ang pangalan;
L-ahat ay nagsasaya sa Kanyang pagsilang-
I-to ang haring kanilang iginagalang;
G-into, insenso’t mira ang handog sa Kanya-
A-ng naghandog ay ang tatlong haring dakila;
Y-an ay tanda nang walang batik na pagsamba
A-t pagdakila sa anak ng Diyos Ama;
N-agdiriwang ang tao sa lahat ng dako-
G-anito ang buhay pag sumapit ang pasko.
P-amaskong mga handog ay naggagandahan,
A-ng mga tao’y nagdadasal sa simbahan,
S-ila ay tunay na sumasampalataya
K-ay Hesus na isinilang ni Birhen Maria-
O-o, Ang tagapagligtas ay narito na.
Katha ni: Federico Cacdac Delizo
Kasiningan gawa ni: Leonardo Ibay Delizo, PhD
All that you have is a gift from God.
Share your time, talents and treasure in gratitude
for all that God has given you.